Dear Young Adult

 

Dear Young Adult,

Kumusta? How is "adulting" life so far? By adulting I mean hindi yung pagiging "legal" na makakapasok sa bar o bumili ng yosi sa 7/11, but the kind of adulting where you're finally responsible of your own life financially.

Kumusta ang pagiging independent? Anong pakiramdam na ikaw na ang nagbabayad ng sarili mong bills, groceries, at marami pang kung ano-anong bayarin? Nakakacheck-out ka pa ba ng mga gusto mo? Anong binili mo para sa sarili mo sa unang sweldo?

Alam mo, ramdam ko rin kung ano mang nararamdaman mo ngayon. Hirap no? Magiging hipokrito ako kung sasabihin kong okay lang, kahit hindi naman. Pero, ganito na lang ba talaga hanggang sa dulo? Kailan ba magiging okay ang lahat?

Pero kahit anong hirap ng buhay, 'wag kang titigil sa pag-iipon, paglalaan para sa future mo at lalong-lalo na sa goal mong tapusin ang mga toxic Filipino traits na kinalakihan mo. May pupuntahan rin lahat ng sakripisyo mo. Sa ngayon, enjoy mo muna yang J.Co Donut at Iced Coffee mo. 'Wag kang ma-guilty dahil deserve na deserve mo yan. Okay lang naman i-treat ang sarili paminsan-minsan. Padayon lang.

Nagmamahal at nagpapatuloy,
The Kuripot Guide

Comments