From Crisis to Rehabilitation: Bakit Pumasok sa Joint Venture ang CENECO?

 

Nahaharap sa matinding hamon ang mga electric cooperative sa Pilipinas dahil sa lumang imprastraktura, tumataas na demand, at kakulangan sa pondo. Sa Negros Occidental, ang mga problemang ito ang nagtulak sa Central Negros Electric Cooperative (CENECO) na pumasok sa isang Joint Venture Agreement (JVA) kasama ang Primelectric. Ngayong may katulad na proposal ang IGNITE Power para sa SOCOTECO II sa South Cotabato, nagiging basehan ang karanasan ng CENECO kung paano nakakatulong ang ganitong partnership sa oras ng krisis.

Lumang Pasilidad at Araw-araw na Brownout

Ayon kay CENECO Acting General Manager Atty. Arnel Lapore, bago ang JVA, lugmok na ang kooperatiba sa mga sirang substation, lumang linya ng kuryente, at pabalik-balik na brownout. Halos araw-araw kung makaranas ng power interruptions ang mga consumer sa franchise area nito (Bacolod, Silay, Talisay, Bago, Murcia, at Don Salvador Benedicto). Bukod dito, naging mabagal din ang pag-proseso sa mga bagong aplikasyon ng kuryente dahil sa kakulangan sa maintenance at pasilidad.

Kakulangan sa Pondo at Solusyon ng Private Sector


Ipinaliwanag ni Lapore na nangangailangan ng napakalaking pondo para sa modernisasyon at rehabilitasyon ng kanilang system—isang bagay na hindi na kaya ng CENECO mag-isa. Ito ang dahilan kaya sila nakipag-partner sa Primelectric. Ang joint venture ay dinisenyo para magpasok ng sapat na kapital, technical expertise, at operational improvements upang ma-stabilize ang supply ng kuryente.

Ang Sitwasyon sa SOCOTECO II

Para sa IGNITE Power, ang naging karanasan ng CENECO bilang ehemplo para sa kanilang proposal sa SOCOTECO II. Sa gitna ng mga reklamo sa serbisyo at operational challenges sa SOCOTECO II, ipinapakita ng CENECO model kung paano magagamit ang private-sector participation upang isalba at i-rehabilitate ang mga naghihirap na electric distribution systems.

Abangan ang susunod na kabanata...

Comments