Strage Frequencies: Taiwan Killer Hospital Took A Risk and It's All Worth It
A risky film but worth watching!
Kung
Horror movie ang gusto mong mapanood ngayong Pasko, then you should
consider itong bagong pelikula mula kina Monteverde, Matti at Gil (na
bida rin sa pelikula).
Ang
Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ay hango sa South Korean
movie na Gonijam: Haunted Asylum, na isa ring meta found footage genre
film (blair witch project, paranormal activity). Hindi ito common na
genre sa Philippine horror, at ang Strange Frequencies nga ang
kauna-unahang nagrisk gumawa ng ganito sa Pilipinas. Kaya marami rin ang
excited na mapanood ito.
Kwento
ito ng magbabarkadang amateur ghosthunters, na inexplore ang notorius
Xinglin General Hospital sa Tainan, na isa sa pinakahaunted na lugar sa
Taiwan.
Kung sa takutan lang ang
pagbabasehan, masestress at mapapagod ka sa kakasigaw dahil sa mga
perfectly timed jumpscares at sa GoPro first-person POV na may
claustrophobic effect sa manonood. Dagdagan pa ng creepy sound effects
lalo na yung 'strange frequencies' na maririnig mo lagi sa film.
Hindi
rin ito nagkulang sa acting dahil maganda ang pagkakaportray ng bawat
artista sa mga character nila. Balanse ang dynamics at stand out ang
performance nina Jane de Leon, na very relatable ang mga reactions sa
takutan, Raf Pineda, na nagbabalanse sa dynamics na ito with witty
lines, at si Enrique Gil na kumocontrol sa bawat eksena bilang leader
nila.
Overall, worth it ang risk
na ginawa ng producers para iintroduce ang ganitong genre ng pelikula sa
bansa. There's still much to explore about the genre and Strange
Frequencies could possibly pave the way for more to come in the future.
Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital is directed by Kerwin Go and produced under Reality MM Studios, Inc.
Comments
Post a Comment